TV5 launch star studded Christmas serye  “PAANO ANG PASKO?”, premieres Nov 23

-

Sa paghinto ng mga tradisyonal na okasyon at kasiyahan tuwing kapaskuhan dahil sa pandemya, ibinabahagi ng TV5 ang “PAANO ANG PASKO?”, isang star-studded Christmas serye na angkop sa mga kasalukuyang pangyayari. Pinagbibidahan ng mga promising stars at ng mga pinakamalalaking pangalan sa industriya ng Philippine entertainment, “PAANO ANG PASKO?” ay isinulat ng Palanca Hall of Famer na si Jun Robles Lana sa direksyon nina Enrico Quizon, Ricky Davao at Perci Intalan.

Ang natatanging drama series ay umiikot sa kwento ng pagsasama sama ng pamilya tuwing holiday at kung paano naging hadlang sa isang masayang okasyon ang sugat ng nakaraan. Itinatampok ang pagbabalik telebisyon ng dalawang batikan at award-winning na aktres: Urian winner Maricel Laxa na gaganap bilang ‘Faith’, ang mapagmahal na pinuno ng pamilya na tutuklas ng isang lihim na matagal ng itinatago ng pamilya, ang Cinemalaya winner naman na Si Julia Clarete ay magpapakita ng kanyang galing sa pag-arte bilang ‘Love’, ang panganay na kapatid na ang hawak na sikreto ay babalik sa kanya at ang kanyang buong pamilya.

Ang aktres na pinagbibidahan ng mga top-rating teleserye na si Beauty Gonzalez ay gaganap bilang ‘Hope’, ang pangalawang kapatid na may nakaraan sa asawa ng kanyang kapatid. Ang aktor naman na si Elijah Canlas na bibida sa kanyang unang teleserye matapos mapanalunan ang Best Actor sa 17th Asian Film Festival sa Rome at sa 43rd Urian Awards. Siya ay gaganap bilang ‘Noel’, ang apo ni Faith na makakatuklas ng mga lihim na tinatago ng kanyang pamilya.

Kabilang rin sa teleserye ang mga batikang aktor tulad nina Ricky Davao and Allan Paule. Kasama rin dito sina Ejay Falcon, John Sweet Lapus, Matt Evans, Danita Paner, Devon Seron, Cedrick Juan, Ace Ismael at Justine Buenaflor.

Binigyan rin ang viewers ng preview ng serye sa pamamagitan ng music video ng “Pasko Na Sinta Ko” na kinanta ni Jona. Ipinost ito sa IdeaFirst at TV5 social media pages kung saan nakakuha na ito ng libo-libong views at nagbigay ng excitement sa mga Pilipino.

Produced by The IdeaFirst Company para sa Cignal Entertainment, ang “PAANO ANG PASKO?” ay magsisimula sa November 23, at mag-eere Lunes hanggang Biyernes ng 9:00 PM sa TV5.

Comments

comments

LATEST STORIES

STORIES ON FYRE

Need A Fast Connection? No worries, Grab And Globe At Home...

Paying bills and purchasing necessities with the use of e-wallets have been a growing trend especially in a time where most people are still...

Comments

comments